(Photo: Senate Sgt. at Arms team kasama ang naarestong magkapatid na Dargani ng Pharmally sa Davao Int’l Airport)
Naaresto na ng mga tauhan ng Senate Sergeant at Arms ang magkapatid na Mohit at Twinkle Dargani ng Pharmally Pharmaceutical Corp. matapos ang halos isang buwang paghahanap sa kanila.
Kaugnay ito sa pagpapa-contempt noong Oct. 19 ng Blue Ribbon committee sa magkapatid na Dargani dahil sa patuloy na pagtangging magsumite ng mga company document na hinihingi noon ng senado para sa isinasagawang imbestigasyon.
Ayon sa leader ng arresting team na si Manny Parlade, sa Davao International Airport nila naaresto ang magkapatid.
May nakapagtimbre sa mga tauhan ng Senate Sergeant at Arms na palabas ng bansa sina Mohit at TwinkleDargani sakay ng isang chartered flight.
Ayon kay Senate Sergeant At Arms Gen. Rene Samonte (ret.) patungo sana ang magkapatid sa Kuala Lumpur.

Nabatid na nagkaroon pa ng konting komosyon nang tumakbo si Mohit para makatakas sa mga aaresto sa kanya.
Bago mag-alas diyes kagabi, Nov. 1, nang dumating sa naia ang mga tauhan ng Senate Sgt. at Arms na nakaaresto sa magkapatid na Dargani.
Kasalukuyan nang naka-detain ang magkapatid na Dargani sa senado.
Si Twinkle ang pangulo at si Mohit ang kalihim at treasurer ng Pharmally.
(Estrella Bueno)
The post Magkapatid na Dargani ng Pharmally, naaresto sa Davao Int’l Airport ng Senate Sgt. at Arms appeared first on News Patrol.
Magkapatid na Dargani ng Pharmally, naaresto sa Davao Int’l Airport ng Senate Sgt. at Arms
Source: Trending Filipino News
0 Comments