Ilang national candidates, hindi natinag sa pagtakbo ni Sara Duterte bilang Vice President

Iginiit ng ilang mga kakandidato sa national posts ng bansa na hindi umano sila nag-aalala sa pagpasok ni Davao City Mayor Sara Duterte sa vice presidential race para sa 2022 elections.

Naghain si Sara Duterte ng kanyang certificate of candidacy nitong Sabado bilang vice presidential bet ng Lakas-CMD party bilang substitute kay Lyle Uy, na binawi ang kanyang COC.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, running mate ni presidential aspirant at Vice President Leni Robredo, inasahan na nila ang pangyayaring ito.

“Sumama po kami ni VP Leni sa halalang ito, dala ang matibay na paniwalang tanging si VP Leni ang pinaka nararapat sa pagkapangulo, lalo na’t tayo’y nasa gitna ng giyera laban sa sakit, gutom, at kawalang-trabaho,” giit ni Pangilinan.

“Kaya kahit sino pa po ang sumali sa karera, tuloy lang po kami sa paghahanda para sa darating na kampanya,” dagdag pa niya.

Base naman kay presidential aspirant at Senator Manny Pacquiao, sinuman ay may karapatan na tumakbo para sa public office.

“Lahat may karapatan na tumakbo. Lahat binibigyan ng karapatan para magpapili. At the end of the day ang tao naman ang pipili kung sino ang ilalagay nila dyan,” aniya.

Sinabi rin ni Pacquiao na hindi na niya iintindihin ang mga politikal na plano at aksyon ng ibang tao.

“Ang hiling ko lang naman sa taumbayan eh mag-isip silang mabuti. Pag-isipan nilang mabuti kasi parang pinaglalaruan na lang tayo…pinaglalaruan yung taumbayan,” pahayag ng Senador.

Kapwa naman tumangging magbigay ng pahayag sina Senator Panfilo Lacson at kanyang running mate na si Senate President Vicente Sotto III.

“Kaming dalawa ni Sotto mayroon kaming kasunduan hindi kami magkokomento tungkol sa aming mga competitors yung ibang mga tumatakbo we want to keep the level of discourse sa mataas na level, walang gutter politics,” giit ni Lacson sa pagbisita nila sa Negros Occidental nitong Sabado.

Ayon kay Sotto, na kandidato sa pagka-Bise Presidente, itutuon lamang nila ang kanilang pansin sa kanilang plataporma.

“Same as before, we are focused on our governance, on our program and platform for good governance. It doesn’t matter to us who else is running,” sabi pani senador Lacson.

(Toni Tambong)

The post Ilang national candidates, hindi natinag sa pagtakbo ni Sara Duterte bilang Vice President appeared first on News Patrol.



Ilang national candidates, hindi natinag sa pagtakbo ni Sara Duterte bilang Vice President
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments