Hindi nakadalo si Queen Elizabeth IIng UK sa Remebrance Day Service sa Cenotaph ngayong Linggo, Nov. 14, ang araw ng pag-alaala ng Britain sa pagtatapos ng World War One.
Ayon sa pahayag ng Buckingham Palace, dahil ito sa iniindang back sprain ng reyna.
Pero nilinaw ng Buckingham na walang kaugnayan ang sprain sa dahilan ng pagkakaospital ni Queen Elizabeth kamakailan.
Gayunman, ang ‘di pagdalo ni Elizabeth sa okasyon ay nagdudulot ng pag-aalala ng ilan sa UK sa lagay ng kalusugan ng kanilang reyna.
Ang remembrance service sa Cenotaph sana ang unang public appearance ni Queen Elizabeth matapos maospital noong Oktubre.
“Her Majesty is disappointed that she will miss the service,” ayon sa pahayag ng Buckingham.
Sa 69 na taon ni Queen Elizabeth II sa trono, hindi niya pinalampas ang Cenotaph War Memorial maliban lang noong natapat ito sa kanyang mga foreign trip at nang magbuntis sa dalawa niyang mga anak.
(NP)
The post Queen Elizabeth II ng UK, hindi nakadalo sa World War One memorial dahil sa back sprain appeared first on News Patrol.
Queen Elizabeth II ng UK, hindi nakadalo sa World War One memorial dahil sa back sprain
Source: Trending Filipino News
0 Comments