(Photo Courtesy: RID-RSOU5)
Patay ang dalawang miyembro ng notorious na grupong Concepcion Criminal Gang matapos na manlaban sa mga otoridad na magsisilbi lamang ng warrant of arrest sa Cavite nitong Linggo, November 14.
Bandang alas tres y medya ng madaling araw nang pasukin nang pinagsanib na pwersa ng Philippine National Police Regional Investigation Division-Regional Special Operation Unit (RID5-RSUO) at National Bureau of Investigation Region-5 (NBI-RO5) ang isang bahay sa Cliffwood Subdivision, Governor Hills, Barangay Biclatan, General Trias City, Cavite.
Ayon kay Lt. Col Wlfredo Sy, hepe ng RID5-RSUO, target ng naturang operasyon ang pagsisilbi ng warrant of arrest laban kay Gilbert Saysay Concepcion ang pinuno ng Concepcion Criminal Group at mga kasamahan niya.
Ngunit pagdating sa pinto ng target na bahay ay agad na silang pinaputukan ng ilang kalalakihan.
Nauwi sa isang shoot-out ang engkwentro matapos na gumanti ng putok ang mga kawani ng PNP at NBI.
Tumagal ang palitan ng putok ng halos limang minuto kung saan napatay ang mga suspek na kinilalang sina Emmanuel Saysay Concepcion, ang number 2 man ng grupo at isa pang miyembro na si Julius Saysay.
Hindi naman natagpuan sa lugar ang lider ng grupo na si Gilbert.
Nakuha sa crime scene ang isang caliber 45 at caliber 40, na pag-aari ng mga nasawing suspek, mga bala at cellphones.
Ang Concepcion Criminal Group ay sangkot sa mga serye ng robbery extortion activities sa mga construction firm, gun running at gun for hire na ginagamit din ng mga tiwaling politiko upang likidahin ang kanilang mga kaaway noong nakaraang halalan sa Bicol.
(Mores Heramis)
The post Dalawang miyembro ng Concepcion Criminal gang, patay sa engkwentro sa mga pulis sa Cavite appeared first on News Patrol.
Dalawang miyembro ng Concepcion Criminal gang, patay sa engkwentro sa mga pulis sa Cavite
Source: Trending Filipino News
0 Comments