(Photo credit: Mayor Sara Facebook)
“Hintayin na lang ang substitution deadline.”
Iyan ang reaksyon ni Sen. Koko Pimentel sa pag-atras ngayon ni Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio para sa ikatlong termino bilang alkalde.
Pagdating umano ng November 15 deadline para sa substitution ng mga kandidato, saka malalaman ng publiko kung ano talaga ang balak ni Mayor Sara, ayon pa kay Pimentel.
Ngayon, anim na araw na lang bago mag Nov. 15 deadline, lumakas ang mga espekulasyon na maaaring sumabak sa halalang pampanguluhan si Mayor Sara matapos na umatras siya sa muling pagtakbo sa pagkaalkalde ng Davao City.
Matatandaan kahit na ang pambato ng administration party na si Senator Ronald Bato Dela Rosa, isa siya sa mga kumukumbinsi kay Mayor Sara na tumakbo sa presidential race.
Nauna nang sinabi ni dela Rosa na handa siyang mag giveway kay Mayor Sara oras na magpasya siyang tumakbo sa pagkapangulo.
Ikinagulat naman ni Senator Manny Pacquiao ang desisyon ni Mayor Sara.
May video message pa si Pacquiao kay Mayor Sara, “I wish her well, anuman ang pinaplano ni Inday Sara matapos umatras sa pagtakbo muli na mayor.”
(Estrella Bueno)
The post Sen. Koko Pimentel sa pag-atras ni Inday Sara: Hintayin na lang ang substitution deadline appeared first on News Patrol.
Sen. Koko Pimentel sa pag-atras ni Inday Sara: Hintayin na lang ang substitution deadline
Source: Trending Filipino News
0 Comments