1,409 Covid-19 cases, naitala ngayong araw; pinakamababa sa loob ng walong buwan

Patuloy ang pagbaba ng mga kaso ng Covid-19 sa bansa.

Ngayong araw, November 9, naitala ng Department of Health ang 1,409 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Ito na ang pinakamababang kasong naitala sa loob ng walong buwan, mula noong February 17 na may 1,200 na kaso.

Dahil dyan, umakyat na sa 2,806,694 ang kabuuang kaso ng nagka-impeksyon sa bansa.

Mayroon namang naitalang 2,941 na gumaling at 46 na pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 1.1% (30,544) ang aktibong kaso, 97.3% (2,731,583) na ang gumaling, at 1.59% (44,567) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 7, 2021.

Mayroon namang 14 na laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

Ang mababang bilang ng namatay na naitala ngayon ay dahil pa rin sa technical issues na na-encounter ng COVIDKaya.

 

The post 1,409 Covid-19 cases, naitala ngayong araw; pinakamababa sa loob ng walong buwan appeared first on News Patrol.



1,409 Covid-19 cases, naitala ngayong araw; pinakamababa sa loob ng walong buwan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments