US Pres. Biden at Chinese leader Xi Jinping, maghaharap sa virtual summit

Maghaharap sa isang virtual meeting sina U.S. President Joe Biden at Chinese leader Xi Jinping posibleng sa susunod na linggo, batay sa ulat ng Reuters.

Bagamat hindi ito kinumpirma ng White House at Chinese embassy sa Washington, matagal nang pinaplano ang pagpupulong ng dalawang lider.

Kritikal ang kanilang paghaharap bunsod ng mga hindi pagkakasunduan ng dalawang bansa sa maraming isyu.

Kabilang dito ang pinagmulan ng COVID-19 pandemic at ang pagpapalawig ng nuclear arsenal ng China, paliwanag ng Reuters report.

Bukod diyan, patuloy din ang paglaganap ng kapangyarihan ng China sa South China Sea na nagdudulot ng tensyon sa rehiyon.

Batay sa ulat, sinabi ng isang tagapagsalita ng White House na wala pang tiyak na deliverables sa naturang pulong ngunit mahalaga ito upang mapanatag ang anumang kompetisyon sa pagitan ng U.S. at China.

(NP)

 

The post US Pres. Biden at Chinese leader Xi Jinping, maghaharap sa virtual summit appeared first on News Patrol.



US Pres. Biden at Chinese leader Xi Jinping, maghaharap sa virtual summit
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments