Katawa-tawa at desperado na umano ang Pharmally Pharmaceuticals ayon kay Sen. Risa Hontiveros.
Kaugnay ito sa inihaing sedition at perjury charges laban sa kanya at kanyang staff kaugnay pa rin ng imbestigasyon ng senado sa umano’y overpriced medical supplies para sa pandemic response ng gobyerno.
“The charge to commit sedition is laughable. Holding public officials accountable is not rising publicly and tumultuously against the government,” ayon kay Hontiveros.
Dagdag pa ng senadora, “Yung pagtanggap ng mga impormasyon galing sa mga citizen para singilin yung accountability ng mga public officials sa graft and corruption sa mga limitadong pandemic funds, that is hardly, that is not at all, inciting to sedition.”
Para kay Hontiveros, isang kahibangan ang hakbang ito ng Pharmally.
Tanong ng senadora, “gobyerno na ba ang Pharmally?”
Ayon kay Hontiveros, malinaw na isang pagtatangka ito ng pananakot sa kanya sa kabila umano ng pagganap niya sa kanyang tungkuling masigurong sa tama ginagamit ang pera ng bayan.
Kahapon, Nov. 3,, naghain ng reklamo sa Ombudsman ang isang Jaime Vegas na empleyado umano ng Pharmally kasama ang abogadonng kumpanya na si Ferdinand Topacio.
Sa kanilang 15-page complaint, inakusahan ni Vegas sina Hontiveros at ilan sa kanyang staff ng panunuhol ng testigo laban sa Pharmally.
Hiniling din ni Vegas na ma-indict sina Hontiveros sa kasong conspiracy to commit sedition dahil sa pagpiprisinta umano ng mga pekeng testigo sa isinasagawang senate probe.
(NP/Estrella Bueno)
The post Sen. Hontiveros sa Pharmally: Gobyerno na ba kayo? appeared first on News Patrol.
Sen. Hontiveros sa Pharmally: Gobyerno na ba kayo?
Source: Trending Filipino News
0 Comments