Higit 40K kabataang may comorbidity, bakunado na vs COVID-19

Bakunado na ang nasa 40,419 kabataang may comorbidities laban sa COVID-19, ayon sa Department of Health (DOH).

Matatandaang nagsimula ang pediatric vaccination sa mga may comorbidities noong Oktubre 15.

Ang nasabing bilang ay 3.18% ng target population na 1.2 milyong kabataan, ayon kay DOH Undersecretary and National Vaccination Operations Center chairperson Myrna Cabotaje.

Sa datos, pinakamataas ang bilang ng eligible minor vaccine recipients mula Calabarzon na may 1.6 milyon at sinundan ng Central Luzon.

(Toni Tambong)

The post Higit 40K kabataang may comorbidity, bakunado na vs COVID-19 appeared first on News Patrol.



Higit 40K kabataang may comorbidity, bakunado na vs COVID-19
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments