Quezon City, kinukunsidera na rin ang pag-aalis sa paggamit ng face shield

Kinokonsidera na ni Quezon City mayor Joy Belmonte ang hindi na pagsusuot ng face shield.

Sa panayam ng programang Headstart ng ABS-CBN News Channel, Nov. 3, sinabi ni Belmonte na ang pag-aalis ng requirement sa face shield ay tamang hakbang.

Gayunman, nilinaw ni Belmonte na may ordinansa ang syudad na nag-rerequire ng paggamit ng face shield sa mga closed, confined at crowded spaces.

Ginawa lang naman daw ito ng Quezon City dahil iniutos ng IATF.

Hindi naman umano naging required sa mga open area ang pagsusuot ng face shield.

Nauna nang inalis ng Davao city ang paggamit ng face shield at naniniwala si Belmonte na napapanahon na rin itong gawin ng iba pang mga local government unit.

(NP)

The post Quezon City, kinukunsidera na rin ang pag-aalis sa paggamit ng face shield appeared first on News Patrol.



Quezon City, kinukunsidera na rin ang pag-aalis sa paggamit ng face shield
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments