Mas marami pang pribadong ospital sa bansa ang gustong kumalas sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ang inanunsyo ng Private Hospitals Association of the Philippines, Inc. (PHAPi).
Nauna nang isiniwalat ng PHAPi na aabot sa P20 billion ang utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital.
“Sa tingin po [ng ilang mga ospital] walang konkretong solusyon doon sa mga inihahain nila kaya po baka sa susunod na isa o mga dalawang linggo ia-announce na nila na hindi sila sila magre-renew sa PhilHealth,” ayon kay PHAPi president Dr. Jose Rene de Grano sa dzBB.
Ayon kay de Grano, kabilang sa mga ayaw nang mag-renew sa PhilHealth ay ilang pagamutan sa General Santos City, Iloilo City, Cagayan Valley, Laguna, Quezon, Cavite at National Capital Region (NCR).
Iginiit ng PHAPi na maaapektuhan ang mga benepisyaryo ng PhilHealth dahil ilang ospital ang hindi pa nakatatanggap ng bayad para sa COVID-19 claims nitong 2020.
“Ang mangyayari po pareho lang mabibigyan ng serbisyo but then kailangan pong i-advance ngayon ng mga PhilHealth members muna,” paliwanag pa ni de Grano.
Ayon sa PHAPi, iginiit ng PhilHealth na nagbayad na ito ng P10 billion kaya’t gusto nilang malaman kung saan ito napunta.
Dagdag ng hospitals association, nahihirapan na ang mga ospital na ipagpatuloy ang kanilang operasyon dahil sa hindi pagbabayad sa kanila ng Philhealth.
The post Mas marami pang private hospitals, gusto nang kumalas sa PhilHealth appeared first on News Patrol.
Mas marami pang private hospitals, gusto nang kumalas sa PhilHealth
Source: Trending Filipino News
0 Comments