Kampo ni Marcos, handang sagutin ang disqualification complaint sa kanyang kamdidatura

Tinawag ng kampo ni presidential aspirant Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na “predictable nuisance” ang disqualification case na inihain ng ilang human rights groups laban sa dating senador.

Ayon pa sa kampo ni Marcos, isa lamang itong “propaganda” laban kay Marcos.

“We shall address this predictable nuisance Petition at the proper time and forum – after we receive the official copy of the same,” ayon sa pahayag ni Atty. Victor Rodriguez, spokesperson ni Marcos.

“Until then, we will refrain from commenting on their propaganda. Our camp does not engage in gutter politics. Our campaign is about nation building,” dagdag pa ni Rodriguez.

Kahapon kasi ay hiniling ng mga human rights organization sa Comelec na kanselahin ang certificate of candidacy (COC) ni dating senador at presidential aspirant Bongbong Marcos Jr.

Sa petisyon ng grupo na kinabibilangan ng Kapatid-Families and Friends of Political Prisoners, inilahad nito na isang convicted criminal si Marcos matapos mapatunayan sa Quezon City RTC sa kasong tax evasion dahil sa hindi pagpa-file ng income tax return mula 1982 hanggang 1985.

Dahil umano rito, “perpetually disqualified” na si Marcos na humawak ng anumang posisyon sa gobyerno, bumoto at makilahok sa anumang eleksyon alinsunod sa National Internal Revenue Code.

Ang nasabing conviction at ang hindi niya pagbabayad sa 203.8 billion pesos na halaga ng estate tax, interest, surcharge at penalty ay maituturing umanong krimen na may kinalaman sa “moral turpitude”, isang ground sa ilalim ng omnibus election code para ma-disqualify ito sa pagtakbo sa eleksyon.

Ang mga petitioner ay binubuo ng political detainees at human rights at medical organizations na lumaban sa Marcos dictatorship.

Sa isang pahayag naman ng abogado ng petitioner na si Theodore Te, sinabi nilang ang COC ni Marcos ay naglalaman ng “multiple false material representations.”

(Caption: Kopya ng petition laban kay Marcos)

 

The post Kampo ni Marcos, handang sagutin ang disqualification complaint sa kanyang kamdidatura appeared first on News Patrol.



Kampo ni Marcos, handang sagutin ang disqualification complaint sa kanyang kamdidatura
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments