Presyo ng gasolina at kerosene, may rollback sa Martes, November 16

Goodnews ang sasalubong sa ating mga motorista sa darating na Martes, November 16.

May rollback kasi  ulit ang presyo ng gasolina at kerosene.

Ito na ang ikalawang sunod na magtatapyas sa presyo ng gasolina ang oil companies.

Tinatayang nasa P1.10-P1.20 kada litro ang mababawas sa presyo ng gasolina at nasa P0.10-P0.20 naman sa kada litro ng kerosene.

Samantala wala namang paggalaw sa presyo ng diesel.

Samantala, umabot na ang year-to-date adjustments sa net increase ng P20.95 kada litro sa gasoline at P17.50 sa diesel kada litro ayon sa pinakabagong datos ng Department of Energy (DoE).

(NP)

The post Presyo ng gasolina at kerosene, may rollback sa Martes, November 16 appeared first on News Patrol.



Presyo ng gasolina at kerosene, may rollback sa Martes, November 16
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments