(Photo Courtesy: Screengrab from Official Facebook Page of Mayor Inday Sara Duterte)
Nagbigay na ng opisyal na pahayag si Davao City Mayor Inday Sara Duterte tungkol sa kanyang pagtakbo bilang Bise Presidente sa darating na 2022 elections.
Sa kanyang pahayag sa kanyang official facebook account, sinabi ni Sara Duterte na ang desisyon niya ay dahil na rin sa walang humpay na panawagan ng kanyang mga taga-suporta.
“Nagdesisyon na ako na huwag tumakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas, subalit wala pa ring humpay ang inyong mga panawagan kahit na pagkalipas ng ikawalo ng Oktubre. I have thousands of supporters who cried last October 8 and I cannot find it in my heart to make them cry again on November 15,” sabi ni Mayor Sara.
Ipinaliwanag din Mayor Sara na kahit tapos na ang deadline ay nagkaroon naman ng oportunidad na makapaglingkod pa rin siya sa mga Pilipino sa pamamagitan ng pagkandidato bilang Vice President.
“After the deadline, the offer to run for Vice President became an opportunity to meet you halfway. It’s a path that would allow me to heed your call to serve our country, and would make me a stronger person and public servant in the years that lie ahead. I am here to answer your call. I appeal to all supporters to stay calm,” dagdag pa ng presidential daughter.
Idinagdag pa ni Sara Duterte na pabayaan ang PDP na resolbahin ang sariling problema nito. Hinimok din niya ang mga taga-suporta na mag-focus at magkaisa para sa ikabubuti ng bansa.
“The problems of PDP are their own. Let them resolve the issues within their party. This is all politics and this will not matter in five years, or even now when what we need to focus on is our country’s recovery and the people’s welfare. So let us be circumspect and stay the course, focused on forging relationships to unite for the good of our country,” ayon pa kay Inday Sara.
Matatandaang makailang beses ring sinabi ni Sara Duterte na hindi siya tatakbo sa national position.
May kasunduan rin umano silang mag-ama na isa lamang ang sasabak sa national position sa kanilang pamilya.
Kahapon lamang, pagkatapos mag-file ni Sara Duterte ng certificate of candidacy (COC) sa pamamagitan ng kanyang representative ay sinabi rin ng kampo ni Pangulong Rodrigo Duterte na tatakbo na rin siya bilang Vice president ka-tandem si Senator Bong Go na tatakbo naman bilang presidente.
The post Mayor Sara, nagpaliwanag tungkol sa pagtakbo sa 2022 elections appeared first on News Patrol.
Mayor Sara, nagpaliwanag tungkol sa pagtakbo sa 2022 elections
Source: Trending Filipino News
0 Comments