Pilot test ng face-to-face classes sa bansa, magsisimula na bukas, Nov. 15

 

Magsisimula na bukas, Lunes, November 15 ang pilot run ng limitadong face-to-face classes sa piling public schools sa bansa.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ang basic education institution ay magsasagawa ng classroom sessions matapos ang halos dalawang taong pagsasara ng mga eskwelahan dahil sa COVID-19 pandemic.

Ang pagpapatupad ng pilot in-person o face-to-face classes ay gagawin sa 100 eskwelehan na pinili ng Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).

Karamihan sa mga napiling eskwelahan ay malalayong lugar sa probinsiya na nasa “low risk” sa COVID-19.

Ayon kay DepEd Planning Service Director Roger Masapol, ang pagpapatuloy ng face-to-face classes ay hindi hudyat sa pagbabalik sa dating klase ng pag-aaral bago pa magka-pandemya.

Ang face-to-face classes ay ginawa  upang punan ang distance learning modalities kung saan ang classroom session ay gagawin every other week.

“Hindi po siya full face-to-face, ‘yong pagbabalik nila (students).

Ang recommended ng DOH is one week face-to-face, one week off sa school. So pwede siyang alternating,” pahayag ni Masapol sa panayam ng TeleRadyo kamakailan.

Sa ngayon, ang estudyante sa Kindergarten hanggang Grade 3 at senior high school ang dadalo sa physical classes kung saan binawasan ang laki ng klase.

Ang mga eskwelahan ay ni-retrofit ang kanilang mga pasilidad para sa pagpapatupad ng health protocol at para maiwasan ang posibleng pagkalat ng COVID-19.

Ilan sa mga kasaling eskwelahan ay nagsagawa ng simulation ng physical classes at kinausap ang mga estudyante para siguraduhin na kanilang susundin ang health protocols.

Ayon pa sa opisyal, mga school personnel na kumpletong bakunado ang pwedeng sumali sa pilot run habang ang mga estudyante ay kailangan magsuot ng face masks sa loob ng campus sa lahat ng oras.

(NP)

The post Pilot test ng face-to-face classes sa bansa, magsisimula na bukas, Nov. 15 appeared first on News Patrol.



Pilot test ng face-to-face classes sa bansa, magsisimula na bukas, Nov. 15
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments