Pagtakbo ni Sara bilang VP, desisyon umano ng kampo ni Marcos, ayon kay Pangulong Duterte

Desisyon umano ng kampo ni Marcos ang pagtakbo ng anak na si Mayor Sara Duterte bilang vice-president.

Ito ang sinabi ni pangulong Rodrigo Duterte pagkatapos mag-file ng certificate ang kanyang anak na si Sarah Duterte bilang vice-president sa 2022 elections.

Ayon sa Pangulo, maging siya ay nagtataka sa desisyon ng kanyang anak na tatakbo bilang vice-president sa 2022 elections, samantalang si Sara ang nangunguna sa mga presidential survey.

“So why slide down to a lower position?”, tanong ni President Duterte. Pero ayon pa sa kanya, iisa lang ang naiisp niyang dahilan.

I’m sure yung pagtakbo ni Sara, ay desisyon nila Bongbong yun,” ayon pa kay Duterte sa interview ng  pro-Duterte radio host na si Byron Cristobal nitong Linggo ng umaga, November 14.

Dahil sa desisyon ng presidential daughter, mismong si Pangulong Rodrigo Duterte ang nagtulak kay Senador Bong Go na tumakbo sa pagka-presidente.

Nagback-out si Go sa pagkandidato bilang vice-president nang magdesisyon si Mayor Sara na kumandidato naman bilang vice-president.

Kahapon, November 13 ay nag-file ang representative ni Sara Duterte ng certificate of candidacy para sa kanya.

Matatandaang sinamahan pa ni Duterte si Senador Bong Go nang  mag-withdraw sa pagka-vice president at nang mag-file ito ng COC bilang presidentiable sa Comelec kahapon via substitution.

Si pangulong Duterte ay tatakbo naman bilang vice president bago matapos ang deadline sa November 15.

Ang pagpunta nina Go at Duterte sa Comelec ay kasunod ng ginawang substitution ni Sara Duterte sa pagka vice-president sa ilalim ng Lakas-CMD.

Si Sara Duterte ay idineklara ring “adopted” vice presidential bet ni Bongbong Marcos, na kumakandidato naman sa ilalim ng Partido Federal ng Pilipinas.

Nagtataka ako, sabi ko, siya ang number 1 sa survey, kung bakit siyang pumayag natatakbo lang ng bise. Bakit ka tatakbo na bise presidente na alam mong mas lamang ka?” sabi pa ni Duterte.

Ayon sa Pangulo, nasorpresa si Bong Go nang malaman ang pagkandidato ni Sara Duterte noong Sabado. Mangiyak-ngiyak nga umano ito at sinabi ang kanyang pag-atras sa pagkandidato sa pagka-vice president sa ilalim ng PDP-Laban, sabi pa ni Pangulong Duterte.

Kaya naman hinimok niya si Go na tumakbo sa pagka-presidente,

Sabi niya tatakbo si Inday (Sara Duterte), magwi-withdraw na lang siya. Ayaw na niya. Sabi ko, ‘Bakit ganoon? Nag-umpisa ka na.’ Eh ‘di tumakbo ka na lang ng president. Eh ganoon lang pala ang gagawin sayo eh. Edi kasa ka na’,” sabi pa ni Duterte.

Sa nasabing interview ay naitanong din kung bakit si Go ang sinuportahan niya sa halip na si Bongbong Marcos na kilalang kaalyado rin ng mga Duterte.

Sagot naman ng Pangulo sa suporta niya kay Go, “it was a matter of principle.”

Sinabi rin niya na hinangaan niya ang katapatan ni Go.

Ayon naman kay Communications Secretary Martin Andanar, si Duterte ay tatakbo bilang Vice-president at running mate ni Go.

Sila ay kakandidato sa ilalim ng partidong Pederalismo ng Dugong Dakilang Samahan or PDDS.

(NP)

The post Pagtakbo ni Sara bilang VP, desisyon umano ng kampo ni Marcos, ayon kay Pangulong Duterte appeared first on News Patrol.



Pagtakbo ni Sara bilang VP, desisyon umano ng kampo ni Marcos, ayon kay Pangulong Duterte
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments