(Photo courtesy: PNA)
Patuloy ang pagdating sa bansa ng mga bakuna kontra sa Covid-19.
Kahapon, November 13, dumating sa bansa ang 1,279,000 Moderna COVID-19 vaccines, ang bakunang binili ng gobyerno.
Lumapag ito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 via China Airlines flight CI701 bago mag alas-10 a.m. ng umaga.
Samantala, sa datos ng Pilipinas, ‘fully immunized’ na o kumpletong bakunado na ang 30.8 milyong indibidwal habang 36.9 milyon naman ang partially vaccinated.
Ang bilang ng fully vaccinated na indibidwal ay 40 porsyente ng target na 77.1 milyon.
Dagdag pa ni Vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., layunin nilang makapagturok ng booster shot sa health workers sa mid-November.
Isasagawa naman ng gobyerno ang 3-day vaccination sa November 29 hanggang December 1 para makapagbakuna ng 15 milyong Pilipino.
(Toni Tambong)
The post Higit 1.2M Moderna Covid-19 vaccines, dumating sa bansa kahapon, November 13 appeared first on News Patrol.
Higit 1.2M Moderna Covid-19 vaccines, dumating sa bansa kahapon, November 13
Source: Trending Filipino News
0 Comments