Nakapagturok na ang gobyerno ng Pilipinas ng kabuuang 1,239,981 doses ng coronavirus disease (COVID-19) vaccines noong November 11, Huwebes.
Ito na ang ang pinakamataas na naiturok na bakuna sa isang araw, ayon sa National Task Force (NTF) against COVID-19.
Naitala sa 1,239,981 doses ang naipamahagi noong Nobyembre 11, base sa pinakabagong datos mula sa National Vaccination Operations Center (NVOC) — 698,500 para sa first dose at 541,481 para sa second dose.
“We are very pleased to see that the hard work, determination and concerted effort from all sectors of society has paid dividends and is bringing us closer to our goal of achieving 1.5 million daily jab rate,” pahayag ni vaccine czar Carlito Galvez Jr.
“The upward trajectory of our daily jab rate, along with the downtrend in the number of COVID-19 cases are solid proof that we are on the right track to a sustainable recovery,” dagdag pa niya.
Ayon kay Galvez, hindi bababa sa isang milyong doses ang naiturok sa dalawang magkasunod na araw sa bansa, at sinabing 1,052,600 ang naibakuna sa buong bansa noong November 10.
Ayon sa NVOC, umabot na sa 37,036,577 doses ang naiturukan na ng first dose, habang 31,020,380 Pilipino ang fully vaccinated na noong November 11.
Idinagdag pa ng vaccine czar na 121,979,340 COVID-19 vaccine doses na ang dumating sa bansa simula noong February.
Sinabi rin ni Galvez na inaasahan ang pagdating ng hindi bababa sa 46 million pang doses ng bakuna sa mga susunod na araw.
(Toni Tambong)
The post Mahigit 1.2M bakuna naiturok sa isang araw, pinakamataas ayon kay Sec. Galvez appeared first on News Patrol.
Mahigit 1.2M bakuna naiturok sa isang araw, pinakamataas ayon kay Sec. Galvez
Source: Trending Filipino News
0 Comments