Nabigo si Presidential spokesperson Harry Roque na makuha ang pwesto sa International Law Commission (ILC) sa gitna ng mga protesta ng human rights groups at kapwa abogado.
Sa 190 United Nations member-states, 87 lang ang bumoto para sa nominasyon ni Roque sa ILC, Sabado ng umaga, Nov. 13 (oras sa Maynila).
Ito ang grupo ng mga eksperto na tumulong para i-develop ang international law.
Ang nakakuha ng mataas na boto mula sa mga bansa sa Asia Pacific ay India, Thailand at Japan na may 150 votes bawat isa.
Nakakuha rin ng pwesto sa ILC ang mga bansang Vietnam, China, South Korea, Cyprus at Mongolia.
Si Roque ay nakakuha ng mababang bilang ng boto sa kinatawan ng 11 bansa na nagnanais na maging bahagi ng commission’s 8-seat Asia-Pacific bloc.
Nabigo rin ang Lebanon at Sri Lanka na makapasok sa ILC.
Matatandaan ilang araw bago and botohan nasa 150 abogado sa bansa ang sumulat sa UN member-states para tutulan ang ILC bid ni Roque.
Binanggit nila ang dating depensa ni Roque sa pahayag ng Pangulo sa umano’y naganap na mga patayan, attack sa rule of law at mahinang pandemic response.
Ayon kay Roque ang nagprotestang grupo ay nasa 0.001 porsyento ng 78,000 abogado sa bansa.
Dagdag pa ng tagapagsalita ng pangulo na maingay ang grupo dahil kabilang dito ang abogadong natalo sa 2019 senate elections at matagal nang kritiko ng Duterte administration.
“Kasama po talaga ito sa ingay sa pulitika at asahan Ninyo na lalo pang lalakas ang political noise. Maghahanda na lang po tayo ng bulak para takpan ang ating mga tenga,” pahayag ni Roque sa press briefing.
Samantala pinasalamatan naman ni Roque ang pangulo at ang mga sumuporta sa kanya.
“My candidature at the ILC was a challenging campaign throughout but we met it head on, Unfortunately, we did not succeed.
I thank President Rodrigo Roa Duterte, for his nomination and unwavering support of my candidature. I thank the Department of Foreign affairs and the officers and staff of the Philippines’ Permannet Mission to the United Nations, for the steadfast professionalism and support.
I thank my own staff for helping me continue to discharrge my function as presidential spokesperson, even as I campaigned and despite the difference in time zones,” saad ni Roque.
(NP)
The post Presidential spokesperson Harry Roque, nabigo sa ILC bid appeared first on News Patrol.
Presidential spokesperson Harry Roque, nabigo sa ILC bid
Source: Trending Filipino News
0 Comments