(File photo)
Naglabas na ang Commission on Elections (Comelec) ng summons kay presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos kaugnay sa petition ng cancellation ng kanyang certificate of candidacy (COC).
“Summons was issued yesterday (Thursday), and is expected to be served today. We are awaiting proof of service,” pahayag ni Comelec spokesperson James Jimenez.
Sinabi ni Jimenez na kapag natanggap na ng kampo ni Marcos ang summons, mayroon siyang limang araw para magsumite ng sagot.
Pagkatapos nito ay itatakda ang “pre-conference”.
Ang parties ay bibigyan ng tatlong araw para maghain ng kanilang mga argumento.
Nitong Lunes, November 8, nai-raffle ang petition laban kay Marcos sa 2nd Division ng Comelec, ayon kay Jimenez sa National Press Club Meet The Press Forum.

(Photo courtesy: Christian Heramis)
Ang petition for cancellation ng kandidatura laban kay Marcos ay inihain noong isang linggo ng Task Force Detainees of the Philippines, KAPATID, Medical Action Group, FIND, PH Alliance of Human Rights Advocates at Balay.
Kinukuwestyon ng mga grupo ang pagtakbo ni Marcos sa pinakamataas na posisyon sa bansa gayong siya ay naharap sa final conviction sa kasong tax evasion.
Sinabi naman ng kampo ni Marcos na ito ay “nuisance case” na kagagawan ng mga kalaban sa pulitika.
(NP/with report from Christian Heramis)
The post Bongbong Marcos, ipinatawag na ng Comelec kaugnay sa disqualification petition appeared first on News Patrol.
Bongbong Marcos, ipinatawag na ng Comelec kaugnay sa disqualification petition
Source: Trending Filipino News
0 Comments