1,894 naitalang bagong kaso ng COVID-19

Nakapagtala ang Department of Health ng 1,894 na panibagong kaso ng COVID-19 ngayon, November 12, na bahagyang bumaba kumpara kahapon na 1,974.

Dahil dito, pumalo na sa 2,813,115 ang kabuuang kaso ng mga nagkasakit sa bansa.

Mayroon namang naitalang 1,421 na gumaling at 170 ang pumanaw.

Ito na ang ikalawang araw na mababa sa 2,000 ang naitatalang nahawaan ng virus.

Sa kabuuang bilang, naitala sa bansa ang nasa 29,105 (1.0%) na aktibong kaso.

Nasa 2,738,975 (97.4% ) na ang gumaling at 45,035 (1.60) naman ang namatay.

Ayon sa pinakabagong ulat ng DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 10, 2021 habang may dalawang laboratoryo ang hindi  nakapagsumite ng datos sa a COVID-19 Document Repository System (CDRS).

(NP)

 

The post 1,894 naitalang bagong kaso ng COVID-19 appeared first on News Patrol.



1,894 naitalang bagong kaso ng COVID-19
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments