(Photo courtesy: PTV FB screengrab)
Humingi ng paumanhin ang Philippine National Police (PNP) Regional Office 1 sa Department of Education (DepEd) sa naiulat na presensya ng kanilang armadong tauhang pulis sa isang elementary school sa Pangasinan.
Ito ay kasabay ng pagbubukas ng pilot implementation ng face-to-face classes sa probinsya noong Lunes, November 15.
Ayon sa nakalap na field report ng DepEd, ang pulis na nasa Longos Central Elementary School sa Alaminos ay parte umano ng security detail ng isang bumisitang local government official.
Samantala, nagpaliwanag naman ang PNP na ang ipinadalang police personnel ay base umano sa hiling ng school officials para sa pagsisimula ng face-to-face classes.
Sa kabila nito, inamin naman ng pulisya na nag-overreact ang miyembro ng Alaminos City police.
“The police units only had pure good intention in acting on the request of school officials,” paliwanag ni PNP Regional Office 1 Director Police Brig. Gen. Emmanuel Peralta.
“It is just unfortunate that some persons may have felt intimidated by the presence of security personnel,” dagdag niya.
Nagkasa na rin ang pulisya ng imbestigasyon para malaman kung may nangyaring kapabayaan sa hanay ng pulisya.
(Toni Tambong)
The post PNP, nag-sorry sa presensya ng armadong tauhan sa eskwelahan appeared first on News Patrol.
PNP, nag-sorry sa presensya ng armadong tauhan sa eskwelahan
Source: Trending Filipino News
0 Comments