Nagtala ang Department of Health ng 1,190 na karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 17.
Ito na ang ikapitong magkakasunod na araw na nakapagtala ng mas mababa sa 2,000 ang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Umakyat na sa 2,820,494 ang kabuuang kaso ng Covid-19 sa bansa.
Mayroon namang naitalang 2,759 na gumaling at 309 na pumanaw.
Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 0.8% (23,846) ang aktibong kaso, 97.5% (2,750,531) na ang gumaling, at 1.64% (46,117) ang namatay.
Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 15, 2021 habang mayroong 1 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).
“Of the 309 reported deaths, only 18 occurred in November 2021. 61% of the reported deaths today occurred in October 2021 due to late encoding of death information to COVIDKaya,” ayon sa DOH.
Ayon pa sa DOH, kasalukuyang nakikipag-coordinate na ang ahensya sa Epidemiology and Surveillance Units para masigurong up to date ang datos.

(NP)
The post 1,190 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 17 appeared first on News Patrol.
1,190 Covid-19 cases, naitala ngayong araw, November 17
Source: Trending Filipino News
0 Comments