(Refugees sa border ng Belarus at Poland. Photo credit: UNHCR)
Nagsagupaan ang mga stranded na refugees at Polish guards sa border ng Poland at Belarus sa tumitinding refugee crisis doon.
Ayon sa Ministry of National Defense ng Poland, pinagbabato umano ng refugees ang Polish guards kaya’t binuweltahan sila ng water cannon at tear gas.
Ang refugees ay buhat sa mga bansa sa Middle East at Africa, at nag-aasam ng asylum sa European Union (EU) upang matakasan ang kaguluhang pulitikal sa kanilang mga bansa.
“The use of force [by Poland] is completely unjustifiable because there are legal procedures which should be used… The actions of the Polish forces are not only illegal but also inhuman,” ayon kay aid worker Marta Szymanderska ng Grupa Granica sa panayam ng Al-Jazeera.
No-man’s land
Libu-libong refugees ang stranded ngayon sa tinaguriang no-man’s land sa pagitan ng Poland at Belarus, pawang naiipit sa political crisis sa pagitan ng EU at Russia.
Ayon sa international law, maaaring tumawid ng borders ang mga naghahangad ng political asylum.
Ngunit ayon sa ilang kampo, inuudyukan diumano ng Russia ang refugees na pumasok nang iligal sa EU sa pamamagitan ng Poland.
Matagal nang may alitan sa pagitan ng EU at authoritarian president ng Belarus na si Alexander Lukashenko.
Ngunit nababahala ang humanitarian aid workers dahil nadadawit sa gulo ang refugees, kabilang na ang mga pamilyang may kasamang mga bata.
Hirap ang mga aid workers na maghatid ng pagkain, tubig at sleeping bags sa refugees.
“The instrumentalization of migrants and refugees to achieve political ends is deplorable & must stop. Both sides must guarantee safety, dignity & protection of the people stranded at the border,” pahayag ng United Nations.
(PSH-NP)
The post Kaguluhan sa Belarus-Poland border tumitindi dahil sa refugee crisis appeared first on News Patrol.
Kaguluhan sa Belarus-Poland border tumitindi dahil sa refugee crisis
Source: Trending Filipino News
0 Comments