Pharmally officials, posibleng sa 2022 pa makalabas ng kulungan

Maaaring sa susunod na taon na, kapag natapos ang 18th Congress, makakalabas ng Pasay City Jail  sina Mohit Dargani at Linconn Ong, mga executives ng Pharmally Pharmaceutical Corporation.

Ito ang inihayag ni senate Blue Ribbon Committee chairman Richard Gordon sa harap ng balita na hindi na umano dadalo sa mga pagdinig ng senado ang Pharmally executives ngayong nasa Pasay City jail na sila.

Ayon kay Gordon, sa Pasay City Jail na sila magpa-Pasko at magbabagong taon.

Hindi rin aniya uubra na hindi na sila humarap sa susunod na pagdinig sa Biyernes kahit nasa Pasay City Jail sila.

Nasa kustodiya pa rin sila ng senado kaya susunduin sila ng mga tauhan ng senate sergeant-at-arms.

Ayon kay Gordon, kapag hinarang ng abogado ang pagdadala kina Dargani at Ong sa senate hearing ay maaari din nila itong kasuhan.

Giit ni Gordon, oras na makalabas na sila sa pagtatapos ng 18th congress, mahaharap naman sila sa mga kasong irerekomenda ng komite tulad ng tax evasion.

Patuloy na iniimbestigahan ng senado sina Ong at Dargani dahil sa umano’y maanomalyang transaksyon ng Pharmally sa gobyerno kaugnay ng sinasabing overpriced na pandemic supplies.

(Estrella Bueno)

The post Pharmally officials, posibleng sa 2022 pa makalabas ng kulungan appeared first on News Patrol.



Pharmally officials, posibleng sa 2022 pa makalabas ng kulungan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments