97 party list groups na hindi nakapasok sa 2022 elections, umaapela sa Comelec

Umaapela ang 97 party list groups sa Commission on Elections (Comelec) sa pagbasura ng kanilang inihaing registration.

Ilan sa mga party list group na ito ang LGBTQ Plus, Nurses United, Kilusang Pagbabago Foundation, Citizen Crime Watch Association at Aksyon ng Masang Makatao, Inc.

Hinihintay ng nasabing party list groups na maresolba ng Comelec en banc ang kanilang motions for reconsiderations.

Bukod dito, mayroong limang party list groups na pending pa ang resolution ng mga petisyon.

Kabilang dito ang Mother for Change kung saan ang nominee ay si dating Overseas Workers Welfare Administration official,  Mocha Uson, at ang Malasakit Movement na ang nominee ay ang dating MMDA spokeperson na si Celine Pialago.

Sa kasalukuyan, nasa 139 partylist groups na ang aprubado na lumahok sa 2022 elections.

Ito ay kinabibilangan ng Ang Probinsiyano, Gabriela, Marino, ACT-CIS, Act Teachers at Wow Pilipinas Movement.

Nakasaad din sa mga registered party list group ang pangalan ng limang nominado.

Sinabi naman ni Comelec spokesperson James Jimenez na maaari pang madagdagan ang bilang na inilabas ng poll body.

“Maaari pang may madagdag. Ito lang ‘yung accredited na and ready to go pero baka madagdagan pa,” paliwanag ni Jimenez sa isang media briefing.

Ayon pa sa Comelec na kanilang ilalabas ang final party list groups na papayagang lumahok sa 2022 race sa kalagitnaan ng December.

(Toni Tambong)

The post 97 party list groups na hindi nakapasok sa 2022 elections, umaapela sa Comelec appeared first on News Patrol.



97 party list groups na hindi nakapasok sa 2022 elections, umaapela sa Comelec
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments