(In photo: Itinalagang pangulo ng Barbados si Dame Sandra Mason matapos tanggalin bilang head of state si Queen Elizabeth II ng England)
Tinanggal na ng Barbados si Queen Elizabeth II bilang head of state. Opisyal nang idineklara ng Barbados ang kanilang bansa bilang republika.
Sa loob ng tatlumpung dekada, Barbados ang unang bansang tumalikod sa British monarchy.
Bahagi ito ng kampanya ng Barbados na patatagin ang ugnayan sa mga bansa sa Africa, kasabay ng panawagang managot ang United Kingdom sa mga historical crimes nito.
Itinalaga si governor-general Dame Sandra Mason bilang presidente ng Barbados na may apat na taong termino.
Bilang goodwill gesture, dumalo mismo si Prince Charles sa seremonya.

(In photo: Dame Sandra Mason nanumpa bilang pangulo ng Barbados. Ibinaba na ang watawat ng Queen of England. Photo courtesy: Clarence House)
“Historical crimes”
Sa ulat ng The Guardian, magugunita kung paano yumaman ang England dahil sa slavery o pang-aalipin sa mga Africans sa mga taniman ng tubo (sugar plantations) sa Barbados at Carribean islands noong 17th century.
“It was in Barbados that the slavery plantation production model was invented – right here,” ayon kay David Comissiong, ambassador ng Barbados, sa panayam ng The Guardian.
Sa ilalim ng batas ng Britanya noon, itinuring na pag-aari ng British empire ang mga alipin sa sugar plantations sa Barbados- mapa-lalaki, babae o bata.
Ayon sa historians, parang nasa impyerno ang pagtrato sa mga alipin, at tumagal ito nang ilang siglo.
“Barbados was a hellhole,” ayon kay Comissiong. “For black people, Barbados was a brutal, hellish society.”
Pagkatapos ng ilang dekada, naging ganap nang republika ang Barbados matapos ang mapait na kasaysayan ng slavery.
Tingin ng ilang political observers, posibleng maging mitsa ito na maaring sundan ng iba pang colonies ng England sa Carribean islands.
(PSH-NP)
The post Barbados inilaglag si Queen Elizabeth bilang head of state appeared first on News Patrol.
Barbados inilaglag si Queen Elizabeth bilang head of state
Source: Trending Filipino News
0 Comments