(Mga mamimili sa Divisoria. Photo: Christian Heramis)
Posibleng magkaroon ng panibagong surge ng COVID-19 sa bansa kung magiging pabaya ang publiko sa health protocols, ayon kay dating health secretary Dr. Esperanza Cabral.
Sa panayam ng DZMM TeleRadyo, sinabi ni Cabral na hindi dapat kaligtaan ng mga tao ang minimum health standards kahit niluwagan na ang restrictions.
“[May] posibilidad po na magkaroon uli tayo ng surge ng COVID. Sana ay hindi mangyari. Ngayon kasi, excited lahat ng tao na pumunta sa mga lugar na ganiyan [shopping malls],” pahayag ni Cabral sa TeleRadyo.
Payo ng dating kalihim, mainam kung pahupain muna ang excitment ng mga tao bago magtungo sa mga matataong lugar gaya ng malls at mga pasyalan.
Kailangan aniyang isaalang-alang ng mga magulang ang kalusugan ng kanilang mga anak.
Ibinaba ang National Capital Region (NCR) sa Alert Level 2 nitong November 5 dahil sa pagbaba sa kaso ng COVID-19.
(NP)
The post Panibagong COVID-19 surge posible kung magpapabaya sa health protocols appeared first on News Patrol.
Panibagong COVID-19 surge posible kung magpapabaya sa health protocols
Source: Trending Filipino News
0 Comments