Sunud-sunod ang ilang local government units sa bansa na nagtanggal ng mandatory na pagsusuot ng face shields sa kabila na wala pang inilalabas na kautusan ang Malakanyang.
Nauna rito ang Davao City noong Nov. 2 kung saan ang face shields ay boluntaryong isusuot sa 3C’s settings – crowded places, close contact settings at confined and enclosed spaces.
Matatandaang naghayag ang mga Metro Manila mayors ng suporta sa pagtanggal ng face shield policy maliban sa “critical” na lugar tulad ng ospital, barangay centers at public transport.
Sumunod ang ilan pang lugar sa Metro Manila at probinsya na magtanggal ng polisiya sa sapilitang pagsusuot ng face shields.
Manila
Maynila ang unang local government unit sa Metro Manila na inalis ang mandatory na pagsusuot face shield noong Nov. 8 maliban sa medical at hospital facilities.
“Ang kailangan na lang natin gawin ay mag-mask para kahit paano maibsan ang inyong gastusin dahil sa face shield na yan. Kailangan ko ang kusang disiplina niyo. Magpabakuna kayo,” pahayag ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.
Munitinlupa City
Ipinatupad na rin ng Muntinlupa LGU ang pagtanggal sa pagsusuot ng face shields sa lungsod.
Pinagtibay ng syudad ang ordinance no. 2021-290 o An Ordinance Lifting the Mandatory Use of face Shileds in the City of Munitinlipa sa panahon ng pandemya maliban sa hospitals at clinics.
Pateros
Sa Pateros, ang pagsusuot ng face shield sa munisipalidad ay optional sa outdoor at kailangan naman sa indoor areas, ayon kay Pateros Mayor Miguel “Ike” ponce III.
“In our municipality we made it optional when you are outside but if you are inside establishments, you will need to wear face shields. We require it,” pahayag ni Ponce.
Iloilo City
Nanindigan naman si Iloilo City mayor Jerry Trenas sa posisyong hindi na ipagpatuloy ang pagsusuot ng face shield sa syudad.
Inaprubahan naman ng Sangguniang panglungsod nitong Nov. 9 ang pagtanggal sa mandatoryong pagsusuot ng face shields.
Cebu City
Hindi na rin required ang mga residente ng Cebu City sa pagsusuot ng face shiled, ayon kay acting Cebu City Mayor Michael Rama noong Nov. 10.
“The convergence group recommended the uplifting of the mandatory use of face shields in certain venues and facilities,” pahayag ni Rama.
Required naman ang pasususot ng face shield sa ospital, diagnostic centers at public utility vehicles.
Matatandaang pumalag ang Malakanyang sa ordinansa ng Manila LGU hinggil sa hindi na paggamit ng face shield dahil wala pang desisyon ang Inter-Agency Task Force (IATF) tungkol dito.
“Another way of looking at it is null and void po siya for being in violation of existing executve policy decreed by the President himself, in the exercise of police powers,” pahayag ni presidential spokesperson Harry Roque sa isang bbriefing.
Gayunman, agad na sinalungat ni Department of Interior and Local Government (DILG) secretary Eduardo Ano ang sinabi ni Roque.
Ayon kay Ano, ang mayors at local government units ay may kapangyarihan na mag-isyu ng executive order at ordinances sa ilalim ng Republic Act 7160, the Local Government Code of 1991.
Nauna rin na inirekomenda ng Department of Health (DOH) na boluntaryo ang pagsusuot ng face shields sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 1 at 2 maliban sa pampublikong sasakyan.
Sa ngayon, hinihintay na lang na payagan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang bagong polisiya sa pagsusuot ng face shields na ginawa ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious diseases (IATF), ayon kay Roque.
“What about the face shields? There is already a decision, but this is up for approval and possibly for announcement by the President himself,” pahayag ni Roque.
Umapela rin si Roque sa mga LGU na ipakita ang respeto sa pangulo at hintayin ang desisyon ng IATF ukol sa paggamit ng face shields.
(NP)
The post Ilang LGU, sunud-sunod na sa pag-aalis ng paggamit ng face shields appeared first on News Patrol.
Ilang LGU, sunud-sunod na sa pag-aalis ng paggamit ng face shields
Source: Trending Filipino News
0 Comments