(In photo: Pinaslang na mayor ng Los Baños na si Caesar Perez)
Naaresto ng mga awtoridad ang pangunahing suspek sa pagpatay kay Los Baños, Laguna mayor Caesar Perez na pinaslang noong December 2020.
Sa ulat ng Batangas Criminal Investigation and Detection Group (CIDG), kinilala ang suspek na si Norvin Tamisin, dating konsehal ng Los Baños at sinasabing kalaban sa pulitika ni Perez.
“Twelve years pong nanungkulan [si Tamisin] na municipal councilor and in the same time he is allegedly political rival ni late mayor Cesar Perez,” ayon kay Batangas CIDG Chief Lt. Col. Bryan Dexter Andulan sa ulat ng ABS-CBN News.
Naaresto si Tamisin sa Barangay Bakakeng sa Baguio nitong Martes. Walang bail para kay Tamisin.
Binaril si Perez sa loob mismo ng municipal hall sa likod at sa ulo noong December 3, 2020.
Si Tamisin, number 6 most wanted person sa Calabarzon, ay naka-detain sa Camp General Miguel Malvar
(Toni Tambong)
The post Pangunahing suspek sa pagpatay kay Los Baños mayor Caesar Perez, arestado appeared first on News Patrol.
Pangunahing suspek sa pagpatay kay Los Baños mayor Caesar Perez, arestado
Source: Trending Filipino News
0 Comments