70 percent passenger capacity, ipatutupad ng DOTr simula bukas, November 4

Itataas na sa 70 percent ang passenger capacity sa mga tren at piling public utility vehicles (PUVs) sa Metro Manila bukas, November 4.

Mula sa dating 50 percent, itataas na sa 70 percent ang bilang ng mga pasahero na pwedeng sumakay sa mga pampublikong sasakyan, ayon sa Department of Transportation (DOTr) nitong Miyerkules.

Batay sa memo na inilabas ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) noong November 2, ang  public utility buses, jeepneys, UV Express sa Metro Manila at mga karatig probinsiya gaya ng Laguna, Rizal, Cavite at Bulacan  ay maaring mag-operate sa ilalim ng “approved passenger capacity” bilang resulta ng patuloy na pagbaba ng Covid-19 infections at ng agresibong “vaccine rollout” ng gobyerno.

Ang pagtataas sa kapasidad sa mga PUV ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID), ayon pa sa pahayag ng DOTr.

“Pursuant to the recommendation of the DOTr, the Inter-Agency Task Force (IATF) issued Resolution No. 146, series of 2021, dated 28 October 2021, granting the increase in passenger capacity starting at seventy percent (70 percent),” ayon pa sa inilabas na memo.

Maging ang mga plastic barrier sa loob ng public utility jeepneys ay hindi na rin requirement pero kailangan obserbahan pa rin ang physical distancing, paglilinaw pa ng ahensya.

Sinabi pa ni LTFRB chairman Martin Delgra na kailangang taasan ang passenger capacity dahil sa tumataas na rin ang demand sa public transport dahil sa pagbubukas ng mas maraming negosyo.

Ang pagtataas sa passenger capacity ay makatutulong din para maibsan ang epekto ng oil price hike sa PUV drivers, ayon pa kay Delgra.

“Increasing passenger capacity will mean a higher revenue for the public transport sector lalo’t mas marami nang tao ang pinapayagang lumabas. Malaking tulong ito sa ating mga kababayang pasahero at mga tsuper,” sabi pa ni Delgra.

Samantala, ang passenger capacity rin sa  LRT 1, LRT-2, MRT-3, at PNR ay itataas din sa 70 percent mula sa dating 30 percent, sabi pa ng the DOTr.

Sinabi rin ni DOTr Undersecretary TJ Batan na mayroon lamang 0.01 percent chance na mahawahan ng COVID-19 sa pampublikong sasakyan, ayon sa pag-aaral.

Maari pa itong mapababa sa 0.005 percent kung naka-taklob o may cover sa mukha.

Ipatutupad naman ng  DOTr ang “7 commandments”  sa loob ng pampublikong sasakyan.

Narito ang “7 commandments” sa loob ng public transport:

  • Wearing face masks and face shields
  • No talking and making telephone calls
  • No eating
  • Keeping public transport well-ventilated
  • Conducting frequent disinfection
  • No passengers with COVID-19 symptoms are to be allowed inside public transportation
  • Observing appropriate physical distancing rule.

(NP)

The post 70 percent passenger capacity, ipatutupad ng DOTr simula bukas, November 4 appeared first on News Patrol.



70 percent passenger capacity, ipatutupad ng DOTr simula bukas, November 4
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments