1,591 Covid-19 cases ngayong araw, pinakamababang kaso sa nakalipas na 9 na buwan

Patuloy sa pagbaba ang bilang ng nagkakasakit sa bansa dahil sa Coronavirus.

Ngayong araw, November 3, naitala ang pinakamababang kaso ng Covid-19 sa nakalipas na siyam na buwan.

Ayon sa Department of Health, nakapagtala ito ng 1,591 na karagdagang kaso ng COVID-19.

Mayroon namang naitalang 4,294 na gumaling at 186 na pumanaw.

Ito na ang pinakamababang bilang ng nagkasakit simula noong February 24, kung saan naitala noon ang 1,553 na Covid-19 cases.

Sa kabuuang 2,793,898 na recorded cases, 38,014 o 1.4 percent ang aktibong kaso ayon sa  Department of Health (DOH) bulletin.

Nasa 97.1% (2,712,298) na ang gumaling at 1.56% (43,586) ang namatay.

Ayon pa sa DOH, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 1, 2021 habang mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

The post 1,591 Covid-19 cases ngayong araw, pinakamababang kaso sa nakalipas na 9 na buwan appeared first on News Patrol.



1,591 Covid-19 cases ngayong araw, pinakamababang kaso sa nakalipas na 9 na buwan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments