Dami ng pasahero sa barko, dadagdagan na ayon sa MARINA

Dinagdagan na ang kapasidad ng mga pampasaherong barko ayon sa Maritime Industry Authority o MARINA.

Sa pinalabas na advisory 2021-57, maari nang magsakay nang hanggang 70 percent ng mga pasahero sa mga barko simula bukas, Nov. 4.

Kasabay ng pagluluwag, mahigpit pa ring paalala ng MARINA na sundin ang mga pinaiiral na health and safety protocols gaya ng pagpapasuot ng facemask at face shield sa mga pasahero; bawal ang kuwentuhan at hindi mahalagang tawag sa phone; ban sa pagkain sa mga barkong nasa category 2 o iyong mga biyahe na wala pang apat na oras ang paglalayag.

Dapat ding pairalin ang social distancing sa lahat ng oras at ibawal ang mass gathering on-board; maglagay ng sapat na bentilasyon upang maiwasan ang sirkulasyon ng mga virus sa mga saradong lugar; at magsagawa ng disinfection sa mga common areas at mga toilet matapos na bumaba ang mga pasahero.

Kailangan ding panatiliin ang isang metrong distansiya sa pila ng mga pasahero na sasakay o bababa ng barko.

(Jocelyn Domenden)

The post Dami ng pasahero sa barko, dadagdagan na ayon sa MARINA appeared first on News Patrol.



Dami ng pasahero sa barko, dadagdagan na ayon sa MARINA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments