(Photo Courtesy: PCOO)
Hindi pa rin natatapos ang patutsada ni Pangulong Rodrigo Duterte laban kina Seandor Richard Gordon at Senador Franklin Drilon.
Sa Talk to the Nation ng pangulo ngayon Miyerkules, Nov. 3, sinabi niyang hindi siya magiging presidente ng bansa kung siya ay corrupt na kagaya nina Gordon at Drilon.
Si senador Richard Gordon ang Chairman ng Senate Blue Ribbon Committee at dumidinig sa umano’y overpricing ng medical supplies mula sa Pharmally Pharmaceutical Corp., at si Drilon naman ang Senate Minority Leader.
“Alam mo, sa totoo lang Gordon pati Drilon, hindi ako aabot sa presidency from my mayorship sa presidency kung corrupt ako kagaya niyo,” sabi ni Duterte.
“Kung tumatanggap ako ng mga—p***** i**— mga campaign funds diyan sa mga tao na alam niyo na, gumagawa ng kalokohan kasama ‘yung mga miyembro ng Congress. Kayo diyan ang mayroong butas. Wala kayong makuha sa amin,” dagdag pa ni Duterte.
“It’s not in my system about corruption and money. Ibang bagay siguro masabi mong mayroon akong—pero hindi siya pera. But, my personal life, there are some those who would like to criticize me. But, as a public official I have to accept the criticisms,” sabi ni Duterte.
Agad namang dumepensa si Senator Franklin Drilon sa naging pahayag ng pangulo.
“I am not corrupt. I take exception to the statement made by the President. Since I joined the public service in 1986, I have faithfully adhered to the highest moral standards. I have strictly conducted myself within the standards embodied in the Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees and our anti-graft laws,” sabi naman ni Drilon.
Iginiit din niya na malinis ang kanyang record pati na ang kanyang konsesnya.
“My record is clear and my conscience is clean. In my 32 years in public service – nine years in the executive and 23 years in the legislative – I have never been tried for corruption in the Ombudsman or Sandiganbayan.”
Ayon pa kay Drilon, pinakaiingatan niya ang kaniyang pangalan.
Sa kaniyang pagre-retiro, ang tanging gusto niyang ipamana ay ang malinis at marangal niyang pangalan.
I have always endevoured to protect my family name. Aside from the laws that I have authored in my 23 years as senator, all I want to leave as legacy when I retire from politics next year is my good name.”
Samantala, hindi pa naman nagbibigay ng pahayag si Senador Gordon tungkol dito.
Sinabi naman ng pangulo, na bilang abogado ay sanay na siya sa mga puna at paninira sa kanya.
“Pero, kung ‘yung sinasabi niyong pera, ako ang abogado, lumang tugtugin na ‘yan. Alam mo, sa totoo lang, sabi ko, I would not be President Duterte kung corrupt ako kagaya niyo,” giit pa ni Duterte.
Matatandaang nakuha ng Pharmally ang bilyon-bilyong kontrata mula sa gobyerno kahit pa isa lang itong maliit na kumpanya na may paid-up capital na P625,000.
(NP/Estrella Bueno)
The post Duterte kay Gordon at Drilon: Hindi ako magiging presidente kung ako ay corrupt appeared first on News Patrol.
Duterte kay Gordon at Drilon: Hindi ako magiging presidente kung ako ay corrupt
Source: Trending Filipino News
0 Comments