Hindi bababa sa 19 katao, patay sa hospital attack sa Afganistan

Hindi bababa sa labing-siyam katao ang nasawi habang limampu ang sugatan sa pag-atake sa military hospital sa Kabul, November 2.

Ito ang pinakabagong pag-atake sa Afghanistan mula nang masakop ito ng Taliban matapos ang pull-out ng U.S. forces sa bansa.

Nagkaroon muna ng dalawang pagsabog malapit sa entrance saka sinundan ng pamamaril sa loob ng ospital.

“I am inside the hospital. I heard a big explosion coming from the first checkpoint. We were told to go to safe rooms. I also hear guns firing,” kuwento ng isang doktor sa Sardar Mohammad Daud Khan hospital.

“I can still hear gun firing inside the hospital building. I think the attackers are going from room to room… like the first time it was attacked,” salaysay ng doktor.

Dati nang inatake ang naturang military hospital noong taong 2017 kung saan tatlumpu katao ang napatay ng gunmen na nagkunwaring medical personnel.

Sinisi naman ng isang tagapagsalita ng Taliban ang ISIS sa pag-atake, at sinabing ang unang pagsabog ay kagagawan ng isang suicide bomber.

(Toni Tambong)

The post Hindi bababa sa 19 katao, patay sa hospital attack sa Afganistan appeared first on News Patrol.



Hindi bababa sa 19 katao, patay sa hospital attack sa Afganistan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments