Pwede nang mag-shopping sa mall nang mas matagal o mas mahabang oras.
Pinalawig na kasi ng Metro Manila Council (MMC) ang mall operating hours sa National Capital Region (NCR) hanggang alas-11 ng gabi mula sa dating alas-10 ng gabi.
Ang rekomendasyon na inaprubahan ng MMC ay nakasaad sa Metro Manila Development Authority Resolution No. 21-25.
Ayon sa resolusyon, pumayag ang mga mall owner na i-adjust ang kanilang operating hours ng pagbubukas hanggang alas-11:00 ng gabi sa halip na alas-10:00 ng gabi.
Layon nito na tulungang mapagaan ang trapik sa Metro Manila lalo na’t papalapit na ang Christmas season.
Samantala, una nang tinanggal ang umiiral na standardized at unified curfew hours sa National Capital Region (NCR), simula bukas, November 4 .
Ang MMC ay kinabibilangan ng 17 local government units ng Metro Manila na siyang “governing body at policy-making body” ng MMDA.
(Toni Tambong)
The post Mall hours sa NCR, pinalawig; hanggang 11 P.M. na appeared first on News Patrol.
Mall hours sa NCR, pinalawig; hanggang 11 P.M. na
Source: Trending Filipino News
0 Comments