‘Vax’, Oxford word of the year

Napili ng Oxford English Dictionary bilang word of the year ngayong 2021 ang katagang ‘vax’, shortcut para sa vaccine.

Sa isang blog post, sinabi ng Oxford na ang salitang “vax” ay isang bihirang salita hanggang nitong 2021.

Hanggang nitong September, nagamit ang salitang ‘vax’ nang “72 times more frequently than at the same time last year.”

“From vax sites and vax cards to getting vaxxed and being fully vaxxed, no word better captures the atmosphere of the past year than vax,” dagdag pa ng Oxford.

Noong nakaraang taon ay walang napiling word of the year ang Oxford dahil walang isang salita na makaka-accommodate ng taong 2020.

(Toni Tambong)

The post ‘Vax’, Oxford word of the year appeared first on News Patrol.



‘Vax’, Oxford word of the year
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments