Israel, tumatanggap na ng dayuhang turistang fully vaccinated

(File)

Tumatanggap na ng mga dayuhang turista ang Israel.

Pero ang kondisyon, dapat kumpletong bakunado na at natangggap nila ang kanilang second dose sa nakalipas na anim na buwan.

“On the 1st of November this week, we opened for vaccinated tourists… Filipinos are now welcome to visit Israel,” ayon kay Israeli Ambassador to the Philippines Ilan Fluss sa isang panayam.

Paliwanag ng ambassador,  ang mga biyahero ay kailangang magpakita ng negatibong result ng RT-PCR test (reverse transcription polymerase chain reaction) na ginawa 72 oras bago ang departure at kailangang muling magpa- swab test pagdating sa airport.

Matapos ang test, ang turista ay sasailalim sa mandatory quarantine hanggang ang resulta ay lumabas.

Nilinaw ni Fluss na tatanggapin lamang ng Israel ang mga dayuhang bakunado gamit ang vaccines na kinikilala ng World Health Organization gaya ng Pfizer, Moderna, AstraZeneca, Johnson & Johnson, Sinovac, at Sinopharm.

“If the last shot is more than six months, you are considered unvaccinated. So either you take the booster and then you can visit or you can’t,” paglilinaw pa ni Fluss.

(Toni Tambong)

The post Israel, tumatanggap na ng dayuhang turistang fully vaccinated appeared first on News Patrol.



Israel, tumatanggap na ng dayuhang turistang fully vaccinated
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments