4.25 M Pinoys walang trabaho nitong Setyembre, ayon sa PSA

Tumaas sa 4.25 million ang bilang ng mga Pilipinong walang trabaho nitong Setyembre, ayon sa pinakabagong Labor Force Survey na inilabas ng Philippine Statistics Authority, Huwebes.

Umabot ang unemployment rate ng Pilipinas sa 8.9 percent sa nasabing buwan, mas mataas kumpara sa 8.1 percent noong Agosto.

Ayon kay national statistician Dennis Mapa, ito ang pinakamataas na antas sa taong ito.

Umabot naman sa 6.18 million ang underemployed noong Setyembre. Mas mababa naman ito kumpara sa 6.48 milyon na naitala noong Agosto, dagdag pa ng PSA.

Posible namang madagdagan ang mga may trabaho sa mga darating na buwan sa patuloy na pagbubukas ng ekonomiya at pagluluwag ng alert levels, ayon kay Socioeconomic Planning Secretary Karl Chua.

“We look forward to the expansion of the alert level and granular lockdown system to the whole country to recover more jobs and livelihoods,” ayon kay Chua.

(with report from Toni Tambong)

 

The post 4.25 M Pinoys walang trabaho nitong Setyembre, ayon sa PSA appeared first on News Patrol.



4.25 M Pinoys walang trabaho nitong Setyembre, ayon sa PSA
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments