Pagkamalikhain ng mga taga-Baguio at Cordillera, tampok sa Ibag’iw 2021 simula ngayong November

(Photos: Baguio Creative City Facebook)

Handang-handa na ang Baguio City para sa taunang Ibag’iw Creative Arts Festival na pormal na magsisimula sa Nov. 12 at tatagal sa buong buwan ng November.

Tema ng pagdiriwang ngayong taon ay ang Create, Integrate, Elevate.

Sari-saring aktibidad ang nakalatag sa Ibag’iw 2021 na magtatampok sa pagiging malikhain ng mga taga-Baguio at buong Cordillera.

Isa sa pangunahing tampok sa pagdiriwang ngayong taon ay ang contemporary art exhibit na ‘Alimuom’ mula Nov. 12 hanggang Dec. 12 at gaganapin Baguio Convention Center basement gallery.

Dito ipamamalas ng mga local at international artist ang kanilang mga obra sa pagpipinta, iskultura at audio-visual electronic media.

Mayroon ding crafts competition sa larangan ng metal works, textile weaving, wood carving at yarn crafts.

Inaanyayahan ang mga interesadong lumahok na magrehistro sa: https://bit.ly/ibagiwcrafts

Maaring magrehistro hanggang Nov.5.

Ito na ang ikaapat na taong pagdiriwang ng Ibag’iw Festival mula nang mapabilang sa UNESCO Creative Cities list ang Baguio City, ang kauna-unahang syudad sa Pilipinas na nabigyan ng ganitong karangalan.

(NP)

The post Pagkamalikhain ng mga taga-Baguio at Cordillera, tampok sa Ibag’iw 2021 simula ngayong November appeared first on News Patrol.



Pagkamalikhain ng mga taga-Baguio at Cordillera, tampok sa Ibag’iw 2021 simula ngayong November
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments