Mga pasahero, dagsa pa rin sa Manila North Harbor ngayong Nov.1

(Photo Courtesy: PCG)

Dagsa pa rin ang mga pasahero na humahabol para makauwi sa kani-kanilang probinsya ngayong Undas.

Sa Manila North Harbor Port Passenger Terminal, marami pa rin ang mga pasaherong naghihintay ng biyahe ngayong araw, November 1.

Namigay naman ng purified drinking water ang Philippine Coast Guard (PCG) sa mga naghihintay na pasahero.

Pinangunahan ng Department of Transportation (DOTr) katuwang ang PCG sa pagpapatupad ng “Oplan Biyaheng Ayos: Undas 2021” sa mga pantalan sa buong bansa mula noong October 29 hanggang November 4, 2021.

Layon ng inisyatibong ito na maging ligtas at matiwasay ang obserbasyon ng Undas, sa kabila ng nagpapatuloy na pandemiya.

Patuloy din ang pagbabantay ng PCG sa lahat ng pantalan sa bansa at mahigpit na ipinatutupad ang mga panuntunan upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.

(Jocelyn Domenden)

 

The post Mga pasahero, dagsa pa rin sa Manila North Harbor ngayong Nov.1 appeared first on News Patrol.



Mga pasahero, dagsa pa rin sa Manila North Harbor ngayong Nov.1
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments