Extended hanggang bukas, November 2, ng alas-2 ng hapon na walang tubig ang ilang lungsod sa Metro Manila, ayon sa Maynilad.
Ito ay matapos sabihin ng ahensiya na may hamon sa worksite ng pipe realignment nila para sa flood control project ng DPWH.
Sakop nito ang ilang barangay sa Maynila, Paranaque, Pasay at Makati.
Samantala, patuloy ang paggawa sa Sobriedad Street sa Sampaloc, Maynila kung saan natapos kaninang alas-2 ng madaling araw, Nov. 1, ang welding sa bagong cross-under pipe na nilatag.
Ipinalit ang cross-under pipe assembly sa lumang pipe segment na tinanggal para hindi makaharang sa sa ilalatag na DPWH drainage line.

(Photo courtesy: Maynilad Water Services, Inc. FB)
Inaasahan ang pagdaloy ng tubig sa bagong pipe na ito mamayang alas 4 ng hapon.
Patuloy naman ang pagtalaga ng 69 Maynilad mobile water tankers para magdala ng malinis na tubig sa mga apektadong residente.
Pinapayuhan din ng Maynilad ang kanilang mga customer na hayaan munang dumaloy ang tubig mula sa bagong pipe hanggang sa luminaw kapag bumalik na ang supply ng tubig sa kanilang lugar.
(NP)
The post Water Interruption, extended sa ilang lungsod sa Metro Manila appeared first on News Patrol.
Water Interruption, extended sa ilang lungsod sa Metro Manila
Source: Trending Filipino News
0 Comments