(Photo Courtesy: Kokuryo STA thru PTBV FB)
Umabot na sa 17 ang sugatan dahil sa insidente ng pananaksak ng isang lalaki sa tren sa Tokyo, Japan.
Tatlo katao naman ang nasa kritikal na kondisyon, ayon sa Tokyo Fire Department.
Ayon sa report, ang suspek ay nakadamit bilang “Joker”, isang character sa “Batman” comic book at film series.
Naaresto ang 24 anyos na suspek dahil na rin sa attempted murder pagkatapos ng walang habas na pananaksak sa mga pasahero ng tren.
Tinangka rin niyang sunugin ang tren kung saan nagsimula na ang usok sa isang bahagi ng tren.
Nagkagulo ang mga pasahero dahil sa makapal na usok.
Ang ibang gustong makalabas, sa bintana dumaan.
Kumalat na umano ang apoy mula sa upuan ng panlimang tren ng limited express train, kaya nag emergency stop ito sa Kokuryo Station.
Sinubukan rin umano ng suspek na magsaboy ng hydrochloric acid sa tren, pero kinukumpirma pa ito ng mga otoridad.
“I heard a loud bang and saw flames and smoke in the back. Everyone was panicking,” a male passenger said.
Hindi naman umano nanlaban ang suspek nang arestuhin ng mga police.
Ang stabbing incident ay naganap habang may partygoers papunta sa Shinjuku para makisali sa Halloween celebration doon.
Ayon naman sa report ng local media, sinabi rin umano ng suspek sa Japan authorities na, “he wanted to kill people so he could be sentenced to death.”
(NP)
The post 17 sugatan matapos manaksak ng isang lalaki, nagtangka ring sunugin ang tren sa Tokyo appeared first on News Patrol.
17 sugatan matapos manaksak ng isang lalaki, nagtangka ring sunugin ang tren sa Tokyo
Source: Trending Filipino News
0 Comments