P500 billion lugi ng Pilipinas dahil sa climate hazards

(Pinsalang dulot ng super typhoon Rolly sa Catanduanes noong November 2020. Photo credit: PNA/Connie Calipay)

Umabot sa P506.1 billion o tinatayang $10 billion ang kabuuang halaga ng nalugi at napinsala sa Pilipinas dahil sa climate-related hazards sa nakalipas na dekada, ayon sa Department of Finance (DoF).

Ayon sa DoF, patunay ito ng kahinaan ng bansa laban sa climate crisis kahit maliit lamang ang kontribusyon ng Pilipinas sa kabuuang greenhouse gas emissions sa planeta.

Ang lugi at pinsalang ito ay katumbas ng P48.9 billion bawat taon o 0.33% ng taunang gross domestic product (GDP) ng bansa, paliwanag ng ahensya.

Ang Pilipinas ay hinahagupit ng 20 tropical cyclones kada taon at halos araw-araw naman ng seismic shocks.

Ganumpaman, sinabi ni Finance Secretary Carlos Dominguez III na may magagawa pa rin upang baligtarin ang matinding epekto ng global warming.

Pananagutan ng mga bansa

Kasalukuyang nagpupulong ang world leaders sa Glasgow, Scotland para sa 26th UN Climate Change Conference (COP26), kung saan si Dominguez ang pinuno ng Philippine delegation at chairman-designate ng Climate Change Commission ng bansa.

Ayon kay Dominguez, kailangan ay may pananagutan ang mayayamang bansa na pinaka-malalaking polluters sa mundo.

“Nothing would please us more than seeing the countries that emitted and continue to emit the most greenhouse gasses to accept the responsibility of financing the transition to carbon neutrality,” pahayag ni Dominguez.

“I am determined to set the Philippines as an example for all nations in setting the standards for mitigating the impact of climate change. I want us to be a world leader in this area through our climate ambition,” dagdag ng kalihim.

(Toni Tambong)

The post P500 billion lugi ng Pilipinas dahil sa climate hazards appeared first on News Patrol.



P500 billion lugi ng Pilipinas dahil sa climate hazards
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments