Nasal at oral vaccines laban sa COVID-19, inaabangan na ng WHO

(File photo)

Inaabangan na ng World Health Organization ang “second generation” ng COVID-19 vaccines na kinabibilangan ng nasal spray at oral version ng bakuna.

Ang nasal vaccine ay inii-spray sa ilong at ang oral vaccine ay pinapatak sa bibig sa halip na itinuturok sa katawan.

Sinabi ni WHO chief scientist Soumya Swaminathan na malaki ang magiging advantage ng mga bagong bakuna sa gitna ng hamon sa paghahatid ng COVID-19 vials sa iba’t-ibang bansa.

“There could be advantages to some of the second generation vaccines… Clearly if you have an oral vaccine or an intra-nasal vaccine this is easier to deliver than an injectable,” ayon sa WHO chief scientist.

Ayon sa WHO, naisalang na sa human clinical trials ang 129 candidate vaccines, habang 194 ang binubuo pa sa mga laboratoryo.

“Ultimately we’ll be able to choose the ones that are most appropriate,” ayon kay Swaminathan.

Dagdag ng mga eksperto, mabisa ang nasal spray.

“If there’s a local immune response then it will take care of the virus before it even goes and establishes itself in the lungs and starts causing a problem,” aniya.

Sa ngayon, ang nabigyan pa lamang ng emergency use authorization ay COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer/BioNTech, Moderna, AstraZeneca, Johnson & Johnson, Sinopharm, Sinovac at Bharat Biotech.

(Toni Tambong)

 

The post Nasal at oral vaccines laban sa COVID-19, inaabangan na ng WHO appeared first on News Patrol.



Nasal at oral vaccines laban sa COVID-19, inaabangan na ng WHO
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments