Dionardo Carlos, itinalagang bagong PNP chief

Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng bagong pinuno ng Philippine National Police.

Ayon sa Malacanang, pinangalanan ng pangulo si Lt. Gen. Dionardo Carlos bilang susunod na hepe ng pulisya.

Papalitan niya si Gen. Guillermo Eleazar na nakatakdang magretiro sa November 13.

Si Carlos ay graduate ng Philippine Military Academy Class of 1988. Naging tagapagsalita siya ng PNP noong 2017, director ng Aviation Security Group, at hepe ng PNP Directorial Staff.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na kumpiyansa sila na ipagpapatuloy ni Carlos ang propesyonalismo at reporma sa PNP.

“We wish Gen. Carlos all the best as the new PNP Chief,” ani Roque.

Naghahanda na si PNP Chief General Eleazar sa pagsalin ng pamunuan ng PNP.

Tiniyak naman ng kasalukuyang hepe ng PNP na buo ang magiging suporta ng buong hanay ng pulisya sa susunod na hepe.

(Toni Tambong)

The post Dionardo Carlos, itinalagang bagong PNP chief appeared first on News Patrol.



Dionardo Carlos, itinalagang bagong PNP chief
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments