Tiniyak ni Trade Secretary Ramon Lopez na hindi magmamahal o magtataas ang presyo ng ilang noche Buena items sa darating na holiday season.
Ayon kay Lopez, ipo-promote ng Department of Trade and Industry (DTI) ang manufacturers na hindi magtataas ng presyo ng noche buena items.
“Mas marami ‘yung mga hindi nagtaas, nag-abiso na sila, hindi magtataas ‘yung mga ham, ‘yung mga queso de bola, mga fruit cocktail, etcetera, mga pasta and sauce,” sabi pa niya sa briefing.
Minimal din aniya ang dagdag-presyo ng grocery products.
“Ang grocery products halos 3% lamang, halos hindi mo mararamdaman itong mga paggalaw.”
(Toni Tambong)
The post DTI: Ilang noche buena products, hindi magmamahal appeared first on News Patrol.
DTI: Ilang noche buena products, hindi magmamahal
Source: Trending Filipino News
0 Comments