2,646 Covid-19 cases, naitala ngayong araw; aktibong kaso, pinakamababa sa nakalipas na 8 buwan

Pagkatapos ng ilang araw na pagbaba ng Covid-19 cases sa bansa, muli naman itong tumaas ngayong araw.

Sa tala ng Department of Health, umakyat sa 2,646 ang karagdagang kaso ng COVID-19 ngayong araw, November 10.

Mas mataas ito nang mahigit sa isang libo kumpara sa bilang ng nagka-impeksyon kahapon.

Sa kabuuan, pumalo na sa 2,809,311 ang bilang nang nagkasakit sa bansa simula noong magka-pandemya.

Mayroon namang naitalang 4,029 na gumaling at 99 na pumanaw.

Samantala, ngayong araw din ay naitala naman ang pinakamababang aktibong kaso ng Covid-19 sa nakalipas na walong buwan.

Sa kabuuang bilang, nasa 1% o 29,138 ang aktibong kaso o okasalukuyang may sakit na Covid-19.

Noong February 22, naitala ang pinakamababang aktibong kaso na nasa higit 28,000.

Ang mga gumaling naman ay nasa 97.4% (2,735,508) at 1.59% (44,665) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong November 8, 2021.

Pero mayroong 7 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa COVID-19 Document Repository System (CDRS).

The post 2,646 Covid-19 cases, naitala ngayong araw; aktibong kaso, pinakamababa sa nakalipas na 8 buwan appeared first on News Patrol.



2,646 Covid-19 cases, naitala ngayong araw; aktibong kaso, pinakamababa sa nakalipas na 8 buwan
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments