“Dislike” count sa YouTube, tatanggalin na

Tatanggalin na ng YouTube ang tally ng “dislike” clicks sa videos upang protektahan ang content creators mula sa harassment at pag-atake.

Makikita pa rin ang “dislike” button sa ilalim ng videos ngunit hindi na makikita ang bilang ng negative reviews.

“To ensure that YouTube promotes respectful interactions between viewers and creators… we experimented with the dislike button to see whether or not changes could help better protect our creators from harassment, and reduce dislike attacks,” ayon sa pahayag mula sa YouTube.

Bagamat makikita pa rin ng content creators ang bilang ng “dislike” clicks sa kanilang videos, hindi na ito makikita ng viewers upang maiwasan na ang targeted attacks.

Ayon sa mga kritiko, karaniwang nabibiktima nito ang mga bagong content creators.

Sa pamamagitan ng targeted attacks, pinaparami ang dislike clicks sa naturang videos.

Ilang ulit nang pinulaan ang mga giant social networks at video sharing platforms dahil sa kakulangan ng proteksyon laban sa harassment, lalo na sa mga kabataan.

(NP)

The post “Dislike” count sa YouTube, tatanggalin na appeared first on News Patrol.



“Dislike” count sa YouTube, tatanggalin na
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments