Muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Germany, “serious emergency” ayon sa health expert

Inaprubahan ng German legislature, Bundestag, ang ilang mga patakaran na inaasahang pipigil sa muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Germany.

Isa sa mga itinatakda nito ay ang pag-re-require sa mga empleyado na patunayang sila ay nabakunahan na o kaya ay negatibo ang resulta ng kanilang COVID test.

Ito ay para mapayagan silang makihalubilo sa mga communal workplaces.

May katulad din na requirement na itinakda ang batas para naman sa pagsakay sa mga pampublikong sasakyan.

Pero kailangan pa rin munang aprubahan ng upper house, ang Bundestrat, ang nasabing mga bagong patakaran kontra sa COVID-19.

Ayon sa Robert Koch Institute, ang disease control agency ng Germany, umabot sa mahigit 65,000 ang bagong daily cases sa bansa at patuloy pa sa pagtaas.

Mahigit 100,000 naman ang namatay na; 264 dito nitong Miyerkoles lang, Nov. 17.

“We are currently heading toward a serious emergency,” ayon sa institute director, Lothar Wieler.

Kung hindi umano ito masasawata ngayon, magiging “terible ang Pasko” para sa mga German.

Ayon pa kay Weiler, kailangang taasan pa ng Germany ang COVID-19 vaccination rate nito mula sa kasalukuyang 67.7% sa 75%.

Inirerekomenda naman ng independent vaccine advisory panel ang pagbibigay ng booster shots sa lahat nasa edad 18 pataas.

Pero iyong mga mahigit 70 anyos na hindi pa nababakunahan ay dapat maging prayoridad dahil na rin sa mas “at risk” sila sa iba pang mga sakit.

Sa ngayon, inamin ni Weiler na hirap na ang ilang ospital sa Germany na tumanggap ng mga COVID-19 patient at mga may iba pang sakit dahil sa nagkukulang na ng kama.

(NP)

The post Muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Germany, “serious emergency” ayon sa health expert appeared first on News Patrol.



Muling pagtaas ng mga kaso ng COVID-19 sa Germany, “serious emergency” ayon sa health expert
Source: Trending Filipino News

Post a Comment

0 Comments